Ang Defense of the Ancients (higit na kilala sa tawag na DotA) ay isang kakaibang sitwasyon sa larong Warcraft III, batay sa mapang "Aeon of Strife" ng StarCraft. Kailangang makamit ng bawat pangkat ang wasakin ang Ancient ng kalaban, isang istrakturang mahigpit na binabantayan sa magkabilang sulok ng mapa.
Gumagamit ng mga makapangyarihang mga tauhan ang mga manlalaro (kilala bilang mga bayani), kasama ng mga kakamping bayan at creeps na kontrolado ng kompyuter.Gaya ng ibang role-playing games, pinalalakas ng mga manlalaro ang kani-kanilang mga bayani at gumagamit ng ginto sa pagbili ng mga kagamitan sa gitna ng pakikidigma. Nilikha ang sitwasyon gamit ang "World Editor" ng Warcraft III: Reign of Chaos, at binago sa paglabas ng Warcraft III: The Frozen Throne. Marami nang nabago mula sa naunang laro; pinakasikat sa mga iyon ang DotA Allstars, na patuloy na binabago ng mga may-akda habang ito'y pinapalawak.
Mula ng ipinalabas iyon, naging sikat ang Allstars sa ilang mga pandaigdigang torneo, kabilang ang BlizzCon ng Blizzard Entertainment at ang World Cyber Games ng Asya, kaakibat ng mga ligang Cyberathlete Amateur at CyberEvolution; idineklara ng Gamasutra na maaring ang DotA ang pinakasikat na "libre, di-suportadong laro sa mundo". Na-impluwensyahan na ng mapa ang iba pang mga mapa at laro, kabilang na ang stratehikal na larong Demigod at ang DotA based game na Heroes of Newerth. PaglalaroNagtutuos sa Defense of the Ancients ang dalawang pangkat ng mga manlalaro laban sa isa't isa: ang Sentinel at ang Scourge. Ang mga manlalarong nasa pangkat Sentinel ay nasa timog-kanlurang sulok ng mapa, at ang mga nasa pangkat Scourge ay nasa hilagang-silangang sulok.
Ang bawat kampo'y gwardyado ng mga tore at mga pangkat ng mga kawal na nagbabantay sa mga pangunahing daanang papunta sa kampo. Sa gitna ng bawat kampo'y ang "Ancient", isang gusaling dapat mawasak upang manalo sa laro. Ang bawat tao sa laro ay may kani-kaniyang Bayani, isang makapangyarihang tauhan na may natatanging katangian.Sa Allstars, maaring pumili ang mga manlalaro sa bawat panig ng isa sa siyamnapu't-tatlong mga bayani, na may iba't-ibang kakayahan at mga kalamangang taktikal sa ibang mga bayani. Ang sitwasyon ay para sa buong pangkat; mahirap sa isang manlalaro na sarilihin ang pagtatagumpay.
Ngunit, ang ibang mga bayaning may sapat na panahon ay maaring magbaliktad sa sitwasyon nang mag-isa, habang dinidigma ang mga kasalungat na bayani. Maaring magsama-sama sa Defense of the Ancients ang sampung manlalaro (lima sa lima ang laban) at dagdag na dalawang puwesto sa mga manonood, kadalasang may pantay na bilang ng mga manlalaro sa magkabilang panig.Dahil nakatuon ang paglalaro sa pagpapalakas sa mga bayani, hindi na kailangang maglaan ng panahon sa pag-iingat-yaman at sa pagpapatatag ng kampo, gaya ng ibang stratehikal na laro. Makakakuha ng karanasan ang manlalaro kapag siya'y nakapatay ng kalaban; kapag may sapat nang karanasan ang manlalaro, umaakyat ang kanyang antas. Tumitibay at lumalakas ang bayani sa pag-akyat ng antas, at maari nang malinang ng mga manlalaro ang kanilang mga kakayahan at kulam. Dagdag pa sa pagkuha ng karanasan, iniingatan din ng mga manlalaro ang kani-kanilang ginto.
Pinalitan ang madalas na pag-iipon sa Warcraft III ng isang sistema sa pera na umiikot sa pakikibaka: bukod sa madalas na suweldo, kumikita ng ginto ang mga bayani sa pagpatay ng mga creeps, tore, at mga kalabang bayani. Gamit ang ginto, bumibili ang mga manlalaro ng mga kagamitan sa pagpapalakas ng bayan at pagsasanay. May mga kagamitang maaring pagsama-samahin ayon sa itatakda ng mga recipe upang lumikha ng higit na makapangyarihang mga kagamitan. Mahalaga sa sitwasyon ang pagbili ng mga kagamitang naaayon sa bayani.